Sunday, November 29, 2015

NETWORKING 101



 1.) "Niyaya po kaming magkakaibigan, bonding daw! kain daw kami sa Mang Inasal libre na niya. Pero bago kami kumain dinala niya muna kami sa orientation ng networking. Nilibre naman niya kaming lima ng tig 60 na meal pero gusto ko isampal sakanya yon matapos kaming ma-orient ng dalawang oras! Dalawang oras ng buhay ko sinayang niya!"
2.) "Punta daw kami free gig daw ng Kamikazee. P-ngina networking lang pala. WALA PANG TUMUGTOG! Nag all black pa naman ako tas ganun lang mangyayari sa araw ko!"
3.) "Nung niyaya ako ng mga kababata ko may pupuntahan daw kaming importante. Ako naman si sunod. Walang hiya, isang oras ata ako naka upo tas kung ano anong pinapaliwanag sakin pag naka recruit daw ako yayaman ako. Pero ang nasa isip ko lang gusto ko na umuwi at pagmumurahin sa FB yung dalawa kong kababata. After pa ako i-orient, tinanong pa ko kung may 8k daw ako para sa recruitment. Sabi ko wala. Tas tinanong ako ulit kung bebenta niya daw ba ng walong libo yung kotse niya sakin, bibilhin ko daw ba. Sabi ko siyempre oo. Sabi niya, Edi kaya mo maglabas ng 8k. T*ngina! Para sa kotse kaya ko diskartehan pero para sa walang kwentang bagay na ang ibibigay lang sakin na product ay kape, WAG NALANG!"
4.) "Date daw kami, ang ayos ayos ng suot ko pang holding hands and slowmo-kiss pero dalawang oras kami sa orientation ng networking. Gusto kong ibundol dun sa nagoorient yung tinuturo niyang kotse na nakuha niya daw sa loob ng apat na buwan!"
5.) "Yung ka-batch ko nung highschool na ang huling conversation namin ay kapanahunan pa ni eba't adan biglang pumunta sa bahay. Nangamusta, antagal namin nagkamustahan at mga 30 minutes kami nag-kwentuhan bilang tao. Maya maya naglabas ng products at inalok na ko ng membership. Ang hirap niya tanggihan pero krisis ang buhay ko at walang panahon sa gantong sh-t"
6.) "Manghiram daw ako ng cellphone sa tropa ko tas isangla ko daw, mababalik ko din naman daw yon triple pa!"
7.) "Walang hiya talaga yung matagal ko nang kaibigan, nagyaya ng gala tas yung pinuntahan namin mga taong mayayaman daw dahil sa networking at tinry kaming irecruit. Hindi na namin siya kaibigan ngayon"
8.) "Panay ang tag post sakin sa fb nung kabatch ko at panay ang sabi ng "iba kami dito saq Royale", buwisit na buwisit ako dahil wala namang nagtatanong. Minura ko talaga"
9.) "2 months daw nagka-kotse siya. Dati palaboy lang daw siya. Asar na asar ako nung tinanong ko kung san niya pinapark yung kotse niya tas ang sagot may house daw sila sa romblon. NAKALIMUTAN NIYA AGAD YUNG SINABE NIYA SAKIN"
10.) "Nag-PM yung crush ko at naging sanhi ng pagtibok ng puso ko ng napakabilis. Nung i-click ko ang mensahe ang intro ba naman "OPEN MINDED KA BA SA BUSINESS". Tumibok ng mabilis yung ugat ko sa noo at iniyak nalang ang pag-subok"

No comments:

Post a Comment